Quantcast
Channel: Perkins, Rivero show off as Phoenix notches 2nd win at expense of winless Terrafirma
Viewing all articles
Browse latest Browse all 1797

FACT CHECK: Hindi pa naisasabatas ang Universal Social Pension for senior citizens

$
0
0

Ang sabi-sabi: Lahat ng senior citizens sa Pilipinas ay makatatanggap na ng pension sa ilalim ng Universal Social Pension for Senior Citizens Act.

Marka: HINDI TOTOO

Bakit kailangang i-fact-check: Kalakip sa TikTok video ang isang audio clip mula kay Marikina 2nd District Representative Stella Quimbo na nagsasabing, “Lahat ng senior citizens, mayroon nang pension. Uulitin ko po, ibig sabihin, ‘matic na ang pagiging kasapi basta edad 60. May SSS pension man o wala, may GSIS man o wala, kasama na po.”

Sa kasalukuyan, mayroon nang 190,600 views, 4,188 likes, 1,503 comments, at 1,524 shares ang video na ini-upload noong Oktubre 16. Kalakip sa video ang caption na ito: “May social pension na lahat ng senior citizens.”

Ang katotohanan: Hindi pa naipapasa ang panukalang batas na naglalayong magbigay ng social pension para sa lahat ng mga senior citizen sa bansa. Pinabulaanan na rin ng Agence France-Presse ang sabi-sabi.

Nanggaling ang audio clip ni Quimbo mula sa kanyang pahayag sa 2nd Regular Session ng 19th Congress noong Mayo 15 (5:15:19 sa orihinal na video), kung saan tinalakay niya ang pagpapalawig sa Expanded Senior Citizens Act of 2010 upang gawing kasapi ang lahat ng senior citizens, hindi lamang ang indigent beneficiaries, sa social pension program ng gobyerno. 

Sa pagtatapos ng kanyang pahayag, sinabi niya: “Thank you, Mr. Speaker, and esteemed colleagues for considering this vital piece of legislation.” Hindi isinama sa TikTok video ang bahaging ito.

Kasalukuyang hinihintay pa lamang na makapasa sa Senado ang House Bill 10423 matapos itong maaprubahan sa House of Representatives noong Mayo 21. Kailangan munang aprubahan ng mababang kapulungan at ng Senado ang panukalang batas bago ito ipadala sa Pangulo para sa kanyang lagda. 

ALSO ON RAPPLER

Lehislatibong proseso: Isinasaad sa Legislative Process ng Senado ang proseso para sa pagsasabatas ng mga panukalang batas:

“After both houses have given final approval to a bill, a final copy of the bill, known as the ‘enrolled bill,’ shall be printed, and certified as correct by the Secretary of the Senate and the Secretary General of the House of Representatives. After which, it will be signed by the Speaker of the House and the Senate President.

A bill may become a law, even without the President’s signature, if the President does not sign a bill within 30 days from receipt in his office. A bill may also become a law without the President’s signature if Congress overrides a presidential veto by two-thirds vote.”

Indigent seniors: Sa kasalukuyan, mayroong mga programa ang gobyerno na nagbibigay ng pinansyal na tulong para sa senior citizens. Sa ilalim ng Republic Act 11916, ang buwanang social pension ng mga mahihirap na senior citizen ay dinoble mula P500 hanggang P1,000 para masuportahan ang kanilang pang-araw-araw na pangangailangan at gastusin sa pagpapagamot.

May ilang fact check na ring inilabas ang Rappler ukol sa social pension para sa senior citizens:

– Kyle Marcelino/Rappler.com

Si Kyle Marcelino ay nagtapos bilang volunteer ng fact-checking mentorship program ng Rappler. Ang fact check na ito ay sinuri ng miyembro ng research team ng Rappler at ng senior editor.

Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 1797

Trending Articles



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>